Poems About Life

Meaning Of Life Poems
Malayang nanaginip


Ako'y isang dalagita
pangarap na maging malaya
gustong makita
ang malawak na lupa

makamit ang mga ninanais
sa kabila ng pait at tamis
ako man ay gumagapang
tumatayo ng tuwid at maging matapang

para sa pangarap
lahat ay hahamakin kahit mahirap
ipaglalaban at hindi susuko
yayakapin kahit hindi totoo

lumilipad sa panaginip
masaya pagnakapikit
lumuluha pagdumidilat
dahil ako'y malaya sa panaginip

by SiLentLove

Most Top 10 Hits